Anne, ipit kina Richard at Marian
SADYANG inabangan namin ang initial telecast ng “Dyosa” kahit na naguluhan kami sa lahing pinagmulan ng mga kabayo, ni Bernardo Carpio, Dyesebel at matanglawin.
Sana nga ay makaalagwa man lang ito kahit konti sa ratings kahit na nakaipit pa ito sa dalawang higanteng teleserye ng GMA-7.
Nauna ang Singing Bee ng ABS-CBN, tapos pasok ang “Codename:
Asero”, pasok ang “Dyosa” na inabot ng “Dyesebel”, na inabutan naman ng “Iisa Pa Lamang”.
Paano ngayon ‘yan, na-sandwich ang “Dyosa” sa dalawang higanteng topraters ng GMA-7 nina Richard at Marian Rivera?
Mag-rate kaya ang “Dyosa”?
Katapat na nga ng “Asero” ni Richard Gutierrez ang “Dyosa” ni Anne Curtis, ‘yung head and shoulder commercial ni Richard ay naka-load sa “Dyosa”.
Hindi ba si Anne ay ex ni Richard at kahalikan pa sa parking lot sa Baclaran when they were both not this sikat yet?
Hindi talaga mahiwalay si Richard sa mga chicks, ha! May KC na siya, may Heart pa raw, may Anne pang nakaraan. Gosh, mana sa ama?


Post a Comment