feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

John Prats begins adventures as "Tiny Tony" on Saturday, Oct. 11

Labels: ,


NGAYONG Sabado, magsisimula ang adventure ni John Prats bilang "Tiny Tony" sa pagpapatuloy ng Komiks Presents Mars Ravelo sa ABS-CBN.

Sa kanyang pagkabata, nagpakita na si Anthony (John) ng kakaibang talino at kakayahan na hindi magagawa ng ordinaryong bata. Dahil sa kanyang talino, napamahal si Anthony sa kanyang pamilya at kaibigan.

At sa kanyang paglaki, patuloy ang paglalim ng katalinuhan ni Anthony. Hanggang sa isang ‘di inaasahang aksidente ang nangyari. Isang pangyayari na babago sa buhay ni Anthony bilang isang henyong binata.

At ngayong Sabado, simula na ang adventure ni Anthony na mas kikilalanin bilang Tiny Tony. Alam ang mga kagila-gilalas na magaganap sa buhay niya na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.

Kasama sina Alex Gonzaga, Coco Martin, Susan Africa, Mura Gerard Acao at sa special participation ni Pen Medina. Mula sa direksyon ni Dondon Santos, ang "Tiny Tony" ay ang ika-apat na superhero na hatid ng "Komiks Presents Mars Ravelo".



0 comments:

Post a Comment