Juday answers intrigues
Isa-isang sinagot ni Judy Ann Santos ang mga isyung ibinabato sa kanya sa victory party ng latest movie niya mula sa Regal Films, ang “Mag-Ingat Ka Sa Kulam.”
Una na ang isyu sa kanila ni Robin Padilla. Matatandaan na nagsalita si Robin sa isang interbyu na hindi siya dadalo sa kasal ni Judy Ann at boyfriend nito na si Ryan Agoncillo kapag naimbitahan dahil baka agawin lang niya ang young actress.
Hindi ito nagustuhan ni Judy Ann kaya nagbigay siya ng matatapang na statement laban kay Robin. Kasunod nito, nagpadala ng mensahe si Robin na hindi na siya magre-react sa mga sinabi ni Judy Ann.
“Hindi ko na iniisip ‘yun. Kumbaga, masyang-masaya ako. Walang kapantay ang pagiging masaya ko ngayon. So, whatever happen it was a burst of emotion. Ah, wala na ‘yun. Pinagpasa-Diyos na ‘yun ng lahat ng tao ‘yun,” lahad ni Judy Ann.
May ginawa ba’ng aksyon si Robin pagkatapos niyang isiwalat ang sama ng loob niya?
“Actually, hindi naman na dapat. Ah, nagkataon ng may mga taong hindi makaintindi kung biro man o hindi kung anuman ‘yung talagang nagyari wala na ‘yon. Matatanda na kami para magpatulan pa para sa bagay na ‘yan.
“Irespeto na lang natin. Baka it is also his way na maging payapa. Kumalma na ang isyu. I appreciate it and I respect that.”
Hindi na ba kailangang mag-apologize ni Robin sa kanya, sa boyfriend niyang si Ryan at sa kanyang Mommy Carol?
“Hindi na kasi lalaki pa, e. Mapaglalaruan pa. Okey na ‘yun. kailangang i-deal na lang namin ito as matured people so, okey na ‘yun.”
Paano kung magkasalubong sila ni Robin sa isang okasyon?
“E, kung anu’t anuman magkasalubong kami. Wala namang problema. Matatanda na kami para harapin ng maayos ang isyung ito.”
Once and for all, nagkaroon ba sila ng sweet yesterday noon ni Robin?
“Hindi,” sabay tawa ni Judy Ann. “Pabayaan na natin ‘yung tao. Ipaubaya na natin sa mga anak niya na kasama niya ngayon pati misis niya. And they want to have a very good vacation in Europe. Let’s give it to them. Huwag na natin silang pag-usapan.”
Pero okey lang ba sa kaya na makasama ulit si Robin sa isang proyekto lalo na’t
balitang may magtatrabahong muli ang action star sa ABS-CBN?
“Huwag na muna. Huwag na rin nating pag-usapan ‘yun.”
Ayaw na niyang mag-hello sa yesterday?
“Nakakatakot ’yun, ha. Hindi, hindi ko alam ‘yun. E, di mag-hello kapag nagkasalubong.”
Ano ang naging reaksyon ni Ryan sa mga sinabi ni Robin?
“Wala,” kibit-balikat ni Judy Ann. ‘Hindi siya na-hurt. Natawa langn siya. ‘Ano na naman ‘yun?’ Si Ryan, e, very ano na mag-isip hindi na nagpapadala sa ganyan. Ako lang ang nadala. Ang Mommy ko syempre magre-react ‘yun.
May mga nagtataka naman kung bakit napakadali nilang ipag-walang bahala ang mga pahayag ni Robin kesa sa naging isyu sa kanila noon ni Piolo Pascual?
“Ibang usapan naman ‘yun,” diin ni Judy Ann.
Paano nagkaiba?
“Mas matanda si Robin, mas bata si Piolo,” tawa ni Judy Ann.
Mas madali ba’ng patawarin si Robin kesa kay Piolo?
“Hindi naman. Ano naman, kumbaga, ano lang ‘yun, hindi naman siya masyadong, nabigla lang lahat ng to. Nagkaroon lang ng misunderstanding at hindi na daoat pinagpapatulan. At hindi na dapat pinag-uusapan. Mabubuhay na naman ang isyu. Ako na naman ang matatanong. Ako naman ang haharap. Lagot na naman ako.”
Pangalawang isyu ang tungkol sa pagseselos diumano sa kanya ni Angelica Panganiban dahil sa kanyang boyfriend na si Derek Ramsay. Magkasama sina Judy Ann at Derek sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang “HUmingi Ako Sa Langit.”
“Talaga? Kasi si Angelica matagal ko na siyang nakasama sa isang soap, ‘yung ‘Sa Puso Ko Iingatan Ka,’ and naging magkaibigan din naman kami. I’m sure tsismis lang ‘yun. Siguro para may mapag-usapan and everything. ‘ Sa puso ko iingatan ka.
Ano’ng assurance ang maibibigay niya kay Angelica na wala siyang dapat ipagselos sa kanya?
“My God! Ako ‘yung kahuli-hulihang pagseselosan niya sa mundo. If they trust each other and I don’t think they still have to entertain jealoys di ba? It’s a matter of trusting your partner naman, e. If you don’t trust your partner maybe you don’t trust him enough.”
Hindi raw kaya siya ang dahilan kaya naengganayo si Aneglica na mag-aaral din ng pagluluto sa isang culinary school?
“Ah, hindi naman siguro. Basta gusto lang din ng bata na magkaroon ng dagdag kaalaman. Bata kasi 30 na ako, e. I’m sure gusto niyang matuto. Let’s just give it that to her. Huwag na nating lagyan ng iba pang isyu.”
Paano kung gustong magpaturo sa kanya ni Angelica ng pagluluto?
“May bayad ako. Ecthing! Hahaha!
“Nagkasama kami sa soap for almost one year. Nagkaroon ng time na maging close kami. Pero syempre ang tao tumatanda. May mga bagong kaibigan na nakikilala. Ako natuwa ako na kahit papano may na-i-share ako kahit konting advice sa kanya and I hope nakatulong. Kung hindi nakatulong sana nakatulong sa pagma-mature niya.”
Ther was a time ba na ndumalaw si Angelica sa set ng teleserye nila ni Derek?
“Yeah, she visit the set. I guess, normal lang naman ‘yun sa mga magkaka-relasyon dito sa business ‘di ba? And I appreciate, you know, she says hi to everybody. Hindi naman siya nanggugulo sa set and si Derek naman very inspired kapag nandun siya. I guess, nakakatulong isya
“Hindi ba dapat ako ang mainsecure sa kagandahan ng dibdib ng batang ‘yun ‘di ba?
“Ano lang siguro dapat maging komportable na lang sa kung ano’ng meron ka at sa kakayahan mo. Pero hindi ako naniniwala na nagseselos si Angelica. Napakaganda niyang bata para magselos at ang haba-haba pa ng tatakbuhing buhay niya, ‘Day.”
Nagbigay din ngn mensahe si Judy Ann para kay Angelica.
“Naku, sana huwag maapektuhan ‘yung friendship natin. Hindi man tayo ganu’n ka-close sana hindi naman maapektuhan ang friendship natin sa mga ganitong mga lumalabas na isyu. Nakakatawa lang na after so many years na ngayon lang ata ako naisyuhan na may nagseselos. Hahaha!”
Pangatlong isyu ang naganap na nakawan sa kanyang manager na si Alfie Lorenzo worth P10 million.
“Sabi nga. Ay! Sabi nga. Ah, kung anu’t anuman, ako kasi naniniwala ako na mas mabuti na lang na walang nasaktan ‘di ba? Kesa, mas mahal naman ang buhay ng tao kesa sa mga kasangkapan na nanakaw sa bahay. So, sinasabi ng iba na para akong nasunugan kapag nanakawan ka. Pero kikitain mo naman ulit ‘yun, e. ‘Yung buhay kapag nawala ‘yun hindi ko na makukuha ulit.
“So, nu’ng tinext ako ni Tito Alfie, I just told him na naku, magpasalamat na lang ako at walang nasaktan.
“Kung sino man ang nagnakaw noon masama ‘yung ginawa niya pero sana nakatulong. Kunsenya na lang naman niya ang magha-hunt sa kanya sa pagtulog at sana huwag na lang niyang ulitin.”
Pero sabi raw ng manager niya kailangan niyang magtrabaho para may mera na ulit siya.
“Bakit ako?! Bakit ako?! Ganu’n ba ‘yon? Hindi ba dapat kaming dalawa ang magtrabaho?
“Tuluy-tuloy naman ang trabaho ko…para sa akin, para sa pamilya ko. ‘Yung savings ni Tito Alfie savings niya ‘yun. Wala ako’ng kinalaman doon. Maybe tumulong lang ako. ‘Yung donation box, maibabalik ‘yun galing kay God. May mga paraan so, si God na ang magbabalik noon sa mas maayos na paraan. It happen for a reason and I think ‘yung rason kay Tito Alfie, e, alam niya rin ‘yon.”
Pang-apat na isyu ang pagkaka-delay ng teleserye nila ni Derek.
“Baka mga next year. Hindi pa sure. Pinag-uusapan pa. Baka next year kasi inaayos pa namin ‘yung buong istorya ako mismo humiling ako ng immersion with the nurses. Though sinabi rin ng mga staff na baka mas mabuti na alamin ko muna ‘yung mga galaw ng mga nurses.
“Ayoko naman din magbigay ng hilaw na arte sa soap. Kahit TV lang ‘yun syempre dapat karerin ‘yun dahil ayoko na baka sabihin ng tao na sinasabon ko lang ’yung mga gianagampanan ko.”
Pang-limang usap-usapan kay Juday ay ang hindi pagkakatuloy ng contract signing niya with ABS-CBN this week.
“Hindi kasi I had to study the contract first. I have to consult this with the lawyers first and syempre the more na tumatanda ka the more na you have to be careful with whatever contract na pinipirmahan mo.
“Pag-aaralan lang, hindi renewal. Hindi naman syempre kailangan din, you also have to consider the fact and you also have to give it to them na for whatever plans they gave for you in the future kailangan naka-stipulate doon sa contract. Kailangan para hindi magkaroon ng dehado part on both companies, myself and ABS.
“Kumbaga, ayoko namang sabihin na hindi ko sila, ayaw ko naman sabihin nila sa akin, ‘Hindi mo kami inabisuhan or something.’ Gusto ko lang klaro ang lahat. Para wala na ako’ng magiging problema.
“Nasa akin ‘yung contract. Pag-aaralan na lang. Makikipag-meet ako with the lawyers and syempre I have to think first.”
Kasama rin ba sa bagong kontrata niya ang Star Cinema?
“Ay, hindi. Kasi may iba pa ako’ng contract dati sa Star Cinema so, hindi pa tapos ’yun. Baka tatapusin din muna ‘yun if ever they want to renew for another contract. Kailangan tapusin muna ‘yung four pictures.”
So, nakabitin pa kung pipirma siya ulit sa ABS-CBN?
“Ah, hidni naman sa nakabitin, inaaral lang. Syempre kung may negotiation, kung may nagawa mang negotiation with GMA we still have to consider the fact na sa ABS-CBN ko muna dapat ibigay ’yung konsiderasyon na ipaalam at magpaalam at magsalita at ibigay sa kanila ’yung offer dahil sa kanila naman ako nagsimula.”
May offer ang GMA7 sa kanya?
“Meron naman. Matagal na ‘yung talk na ‘yun. Pero GMA FILMS ‘yun. Although I have a very good relationship with GMA. So, ‘yun ang gusto ko’ng i-value at ayokong mag-burn ng bridges sa kahit na ano’ng network. Kasi malaki naman talaga ang naitulong ng dalawang network sa akin.”
Exclusive ba ulit ang kontrata niya sa ABS-CBN kung saka-sakali?
“It really depends sa paguusapan kasi may pros and cons naman ‘yung pagiging exclusive contract artist. Meron ding bagay na pwedeng mabago so, malalaman natin”
May nagsabi kay Juday na possible naman na tumwaid sa dalawangn network since nagagawa raw ito ni KC Concepcion.
Mas mauuna pa kaya ang marriage contract bago ang kontrata niya sa ABS-CBN?
“Management contract siguro. Hahaha!”
Wala pa ba ang marriage contract?
“Wala pa po. Naku, wala pa talaga. Kung meron lang bakit hindi ko sasabihin. Ano lang, masyado lang aligaga ngayon sa mga dapat umpisahan at tapusing trabaho. Bago ka pa man magsimula ng pamilya alam mo na nag-build pa kami ng maayos na foundation.
Mahirap magpakasal na hindi talaga matibay ang pundasyon ninyo.”
Next year na ba ang kasal?
“Ay, hindi ko talaga masabi. Ako I wanted na rin mangyari this year. Pero kung anu’t anuman, sana.”
Last week lang sinabi ni Judy Ann na gusto niya ASAP ay ikasal na sila ni Ryan. Bakit biglang nag-iba ngayon?
“Hindi, kung kagustuhan lang namin ang masusunod at wala kaming iniisip na kung anumang isyu.bakit hindi ASAP ‘di ba? ASAP kung ASAP.
“Sino ba namang couple ang ayaw magpakasal agad? E, kung nasa edad na naman kayo? Alam naman ninyo na nasa tama ang pupuntahan ninyo bakit hindi ASAP?
“Kaya lang syempre, iku-consider mo rin kasi ‘yung pagiging praktikal. Emotionally, okey na, e. Financially, ‘yung status naming dalawa hindi kami pwedeng mag-jump into one square ng hindi kami handa tapos pagsisihan namin.
“So, may isa na kaming anak, nand’yan na si Yohan, so, syempre ‘yung kinabukasan muna ng mga tao sa paligid namin ang umpisahan namin. ‘Yun na lang talaga.”
May hinahabol ba siya na biological clock?
“Ako, noon may hinahabol ako. Pero sa akin na lang kung ibibigay ni Lord. May nagkakaroon pa nga ng anak na 40 bakit naman ako magmamadali? Kung bibigyan ako ni Lord ng anak I’m sure bibigay Niya ‘yun. Siguro kung hindi enough ng si Yohan ang
nandu’n. Kasi baka sabi ni Lord baka hindi niyno matutukan ang anak. Tama na ang isa ‘di ba? So, ako ibibigay ko na lang kay Lord kung ano ang gusto Niyang mangyari.”
Tiniyak naman ni Judy Ann na hindi siya mabubuntis bago siya ikasal.
“Nag-promise din ako kay Mommy na kapag ang pregnant I’m married already.”
Speaking of marriage, dahil daw sa kababanggit ni Judy Ann tungkol sa kasal nila ni Ryan wala ba raw bagong product endorsement na dumarating sa kampo niya.
“Kung anu’t anuman, kung totoo ‘yun o hindi. May mga bagay na hindi pwedeng hbanag buhay dalaga ka. Alangan namang tumanda ako’ng dalaga?
“I believe that doors will open and I also have to fix my personal life as well. Syempre kailangan mo ibigay sa ibang artista ‘yung pinagdadaaanan mo ‘di ba?
“Tapos ‘pag naiwan mo na ‘yun, s aibang aspeto ka naman pupunta.
“Pero may pumapasok pa rin naman. May mga nagre-renew. So, ako kung anuman ang gustong isipin ng tao wala ako’ng magagawa. Huwag naman nilang ipagkait sa akin na magkaroon ako ng sarili ko’ng pamilya,” tapos ni Judy Ann.


Post a Comment