feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Anjo Yllana: I want to remarry Jackie in church

Labels: ,


Isa sa well-wishers ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. ang komedyante at dating vice-mayor ng ParaƱaque na si Anjo Yllana. Wish ni Anjo kay Senator Bong na kung anumang posisyon ang tatakbuhin niya sa 2010 ay maging matagumpay siya. Si Anjo naman ay may ilang taon na ring natigil sa pulitika.

"Kung ako ang tatanungin n'yo tungkol sa career ko sa pulitika, ngayon, wala pa, e. Parang ang sarap din ng buhay after ng nine years ko sa serbisyo, may time na ako sa family," pahayag ni Anjo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GETTING BACK WITH JACKIE. Kamakailan ay nabalitang nagkabalikan na sila ulit ng misis niyang si Jackie Manzano.

"Right now we're working on it. Ah, nasabi ko kasi sa isang interbyu na hindi pa formal kasi nga we are still working on it. Although, nagkabalikan na kami."

Gaano ba sila katagal naghiwalay ni Jackie?

"Four months," mabilis na sagot ni Anjo. "Pero naghiwalay din kami before, mga one year. ‘Tapos naayos namin yun. So, ngayon, inaayos din namin. Kasi, gusto namin tuluy-tuloy na, yung maayos na maayos na."

Paano naganap ang balikan nila ni Jackie?

"Wala. Ah, na-miss namin ang isa't isa. ‘Tapos, ‘ayun, nag-usap kami kung puwede pa, ganun-ganun. Hanggang ngayon inaayos pa rin namin. Mukhang papunta naman sa maganda."

Ano yung inaayos pa nila?

"Yung mga dating problema namin. Kaya nga kami naghiwalay dati kasi nga meron akong mga ayaw, meron siyang mga ayaw. Pero so far, OK naman. Maayos naman yung usapan namin kaya mukhang papunta na doon."

Magkasama na raw sila ngayon ni Jackie sa isang bahay. Kaya halos wala nang problema basta't magawa nila ang mga pangako.

"Actually, wala na, e. Kung kakayanin lang talaga namin yung mga pangako namin."

Anu-ano ang mga pangako nila sa isa't isa?

"Secret na lang yun, e. Secret ng mga mag-asawa."

Sino ang unang sumuko kanino?

"Wala naman. Ah, nagsimula sa text-text. ‘Tapos usap-usap," lahad ni Anjo.

Nagte-text pa rin sila sa isa't kahit nung hiwalay sila?

"After a long time, yun na. Siguro na-miss namin ang isa't isa. ‘Tapos yun nag-usap. ‘Tapos yun ang nalaman namin, hindi ko kasi alam dahil hindi kami nag-uusap. Nalaman ko na mahal pa niya ako. ‘Tapos sabi ko sa kanya ikaw pa rin ang mahal ko."

Paano niya nalaman na mahal pa rin siya ni Jackie?

"Sinabi niya," kasunod ang tawa ni Anjo.

Paano niya naman nasabi na mahal pa rin niya si Jackie?

"Siyempre tinanong niya rin. So, tinanong niya kung meron akong iba."

Ano ang natutunan niya sa paghihiwalay nila ni Jackie?

"Ah, natutunan? Siguro natutunan naming ayusin yung dapat ayusin."

PLANNING FOR CHURCH WEDDING. Habang kausap namin si Anjo ay biglang lumapit sa kanya ang talent manager na si Lolit Solis.

"Ninang," sabi ni Anjo. "Ninang, kung saka-sakali."

Sumagot naman si Lolit sa kanya, "Bakit, hindi pa ba tuloy?"

"Tuloy," sagot naman ni Anjo.

Ang tinutukoy ni Anjo ay ang plano niya na wedding nila ni Jackie sa simbahan.

"Ah, wala pa, e. Kasi siyempre inaayos ko muna yung, yun nga....inaayos namin yung problems."

Legal ba ang problema?

"Hindi naman tungkol sa legality. Yung sa aming dalawa lang, husband and wife."

Sa Las Vegas daw naganap ang civil wedding nila ni Jackie at dito naman sa Pilipinas niya gustong ikasal ulit sila ng misis niya sa simbahan.

"Yun sana ang gusto kong mangyari eventually kapag maayos na. Kasi, siyempre, also for the kids." - Philippine Entertainment Portal



0 comments:

Post a Comment