feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Loveless Francine Prieto struggling to lose weight

Labels: , ,


"Aminado na naman po akong mataba naman talaga ako."

Ito ang direktang tinuran ni Francine Prieto nang makapanayam sya ng "StarTalk" nitong Sabado.

Sa nakaraang underwear fashion event ng Bench, may negatibong mga komento kay Francine dahil naging kapansin-pansin ang malusog niyang pangangatawan.

“Mataba naman talaga ako. Pero yun mga parang naano ko pa na sinasabi na pinagtatawanan daw ako...parang bakit mo ko pagtatawanan mukha ba ‘kong katawa-tawa," paglalahad ng aktres.

Ngunit depensa ni Francine na nais niyang ipakita na hindi lang ang mga sexy at payat ang may karapatang mag-underwear.

“Hindi naman po kailangang maging payat ka para makapagsuot ka ng underwear, di ba? So kung baga kahit na bilugan ka o malaki ka pwede ka pang magsuot ng underwear. (Pero) ayoko naman po na maapektuhan yun mga iniendorse ko, kailangan ko po talagang gawan ng paraan," pahayag ng dalawa.

May ginagawa ba si Francine upang mabawasan ang timbang? Kasama ba rito ang tulong ng siyensa o liposuction?

“Ay hindi po. Actually, kaya po hindi mabilis kaagad ang nangyayari sa akin kasi ang ginagawa ko sa natural na paraan… So nagte-tennis…saka jogging po talaga," paglilinaw niya.

Idinagdag ni Francine: “Pwedeng kumain kahit anong gusto ko at least nabi-burn ko naman po. Hindi tulad ng dati na wala talaga akong mga workout na ginagawa basta diet lang ‘di ako kumakain."

Sa panayam, inamin din ni Francine na loveless pa rin siya ngunit hindi umano ito dahil sa paglusog ng kanyang katawan.

“Walang nakaka-type sa akin kasi mukha nga akong suplada. Siguro dahil sa feature ko po na masyadong sharp po yata," paliwanag niya.

“Yun po yata ang medyo parang nai-intimidate po yata ang mga lalaki…parang hindi sila naglalakas ng loob na lapitan ako," pagtatapos ni Francine. - Fidel, Jimenez, GMANews.TV



0 comments:

Post a Comment