Paolo Contis talks on his first Cosmo Bachelors' Bash ramp

Kahit hindi si Paolo Contis ang cover boy ng Cosmomen sa Cosmopolitan Bachelors 2008, si Paolo ang naging pang-finale sa last night's Cosmo Bachelors' Bash na ginanap sa A Venue Events Hall in Makati City.
May temang "Wet and Wild" ang Cosmo show sa taong ito, kaya naman naka-topless and white pants si Paolo at wet na wet nang rumampa na sa stage. Umamin sa interbyu niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang rumampa na kinabahan siya sa unang pagkakataon niya sa Cosmo Bachelors' Bash.
"Kinakabahan ako kasi, pinulikat ako habang umaakyat! Sabi ko sa trainer ko, ‘Stretch mo, stretch mo!' Siguro kasi, kinakabahan ako. Pero alam n'yo, dahil siguro first time kong ginawa yun, buong hapon, hindi ako kinakabahan. Noong sumampa lang, saka lang ako medyo kinabahan ng konti," natatawang kuwento pa ni Paolo.
SUPPORT FROM DINGDONG. Ang kaibigan at gym buddy niyang si Dingdong Dantes daw ang isa sa nakapagpa-convince sa kanya para rumampa.
"Si Dingdong kasi, isa siya sa mga kasama ko palagi sa gym. So, sabi niya, ‘Paganda ka nang paganda palagi ng katawan. Sabihin natin sa Cosmo, gagawin mo.' So, yun, tinawagan nga nila ‘ko."
And speaking of Dingdong, tinupad nga nito ang pangakong kapag si Paolo naman ang rarampa ay susuportahan din niya ito tulad ng ginawa rin ni Paolo na pagsuporta kay Dingdong noong Blackout naman.
"Masaya! Masaya ‘ko! Kasi, nasa taping siya ngayon ng Dyesebel. Pero, pinuntahan niya ‘ko during their dinner break kahit na malayo ang taping niya. Pinuntahan niya ko to make sure na okey ako. Sayang nga lang, hindi siya nakaabot sa mismong ramp, pero, babalik ulit siya mamaya, magkikita kami para maghanap kami ng buffet!
"Baka kumain kami sa Dampa! Tatlong linggo akong hindi kumakain, so, pina-reserve ko na ang lahat ng sugpong puwedeng kainin," masaya pa rin niyang kuwento.
Hindi na rin daw nagawa ni Paolo ang pinag-usapan nila ni Dingdong na uminom muna siya ng isang shot para pampalakas ng loob.
"Hindi ko na nga nagawa! Nasa plano ko nang tumungga, pero, sa sobrang kaba. Ang dami kong planong gawin sa stage. Uminom sa stage... Kaso kinabahan ako, wala akong nagawa. Pero buti na lang na-enjoy ko rin sa second kong labas, nawala rin ang kaba."
Dahil sa pagpapaganda niya ng katawan, posible ba na ang kasunod nito ay ang pagtanggap naman niya ng mas sexier at mas daring na role?
"Tingnan natin... Kung darating, darating ‘yan. Sayang naman ang pagpapaganda ko, kung itatago na lang natin palagi. E, di, pataba na lang tayo ulit. Basta naman magandang materyal, magandang project, puwede naman nating gawin."
ISABEL'S SUPPORT. Katabi ng PEP ang girlfriend ni Paolo na si Isabel Oli, kung kaya't kitang-kita namin nang mapapalakpak ito at halatang very proud nang lumabas na nga ang boyfriend sa stage.
Ikalawang pagrampa na lang din nang makita ni Paolo ang girlfriend sa audience. Nag-flying kiss pa siya rito. Obviously na sa naging desisyon ni Paolo na rumampa at magpa-sexy ay naging all-out din ang suporta sa kanya ng girlfriend.
Ano'ng masasabi niya rito?
"Masaya! Alam n'yo, kausap ko siya kahapon. Sabi nga niya, ‘Kung maiilang ka na nandyan ako, hindi ako pupunta. Hihintayin na lang kita sa labas.' Sabi ko, ‘Hindi. Pumunta ka! Kahit naman ano ang gawin ko, alam kong hindi ka magagalit, e. At saka, wala naman akong gagawing bastos.'"
E, nang makita na nga niya si Isabel na nanonood sa kanya, mas kinabahan ba siya? Mas nailang?
"Hindi, hindi. At saka, isa nga siya sa mga dahilan kung bakit hindi ako kinakabahan masyado. Alam ko na nandyan siya. Alam ko na kahit walang pumalakpak, may isang papalakpak. At least, sure ako dun!"
Sey pa rin ni Paolo, "Alam n'yo, malaking tulong din si Isabel na hindi siya nakikialam with whatever I do. She's very supportive at hindi niya ‘ko sinasabihan na huwag mong gawin ‘yan, huwag mong gawin ‘to. Alam niya na kapag nagdesisyon ako, kaya kong i-justify yun. Isa ‘yun sa malaking tulong kasi, mahirap kapag pinapakialaman ako, which is, hindi naman ganoon si Isabel."
CONFIDENT THAT HE COULD DELIVER. Nangiti lang si Paolo at halatang masaya nang sabihin namin na in-terms of palakpak, walang-duda na hinintay nga ng lahat ang pagiging finale niya at marami ang pumalakpak nang makita na siya.
"Well, yun... Actually, yun ang pinakanakakakaba. Yung feeling mo na walang papalakpak sa ‘yo, kaya nang marinig ko naman ang response ng tao, gumaan na ang loob ko."
Ayon kay Paolo, wala naman daw siyang fear na baka ma-disappoint lang ang manonood sa kanya or hindi niya ma-meet ang expectations ng mga ito.
"Kung sa katawan or what, hindi naman... Pinaghandaan ko namang mabuti. Ayoko namang sumabak ng hindi ako handa. I'm confident naman na magagawa ko kung ano ang gustong ipagawa ng audience." - Philippine Entertainment Portal


Post a Comment