feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Bea Alonzo inuna ang career bago si Jake Cuenca

Labels: ,


Tahasang sinabi ni Bea Alonzo na totoong nanliligaw sa kanya si Jake Cuenca subalit wala pa anyang katiyakan ang kanyang pagsagot ng “Oo” sa idinidulog na pag-ibig ng aktor.

“I hope he understands. I still have my career to think of. Pero nand’yan lang naman ‘yan, di ba?” pahayag ni Bea sa paglulunsad ng Star Magic 2009 Catalogue kung saan ang lahat ng mga miyembro ng Star Magic ay nakaputi.

Litaw na litaw ang ganda ni Bea ng gabing ‘yon kaya hindi lalo napigil ni Jake ang kanyang paghanga sa aktres. Pero may aasahan kaya si Cuenca sa kanya bilang manliligaw?

“Gaya nga po ng nasabi ko, acting ang pinagbubutihan ko ngayon. Wala muna ang pag-ibig,” sagot ni Bea na lalong gumaganda habang itinatanggi ang sitwasyon.

Ang ”Betty La Fea” anya ang kanyang tinututukan at parang bumalot na sa kanyang katauhan ang karakter ng banyagang tauhan sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN.

“Nag-i-enjoy na ako sa portrayal ko ng Betty La Fea. Ibang klase. I am already in her body and soul,” sabi ni Bea.

Ano ang pagkakapareho nila ni Betty?

“Pareho kaming vulnerable sa real love. Naku, nakaka-in love talaga ang character,” excited na wika ng aktres.

Kahit anya ang “pagtitinginan” nila ni John Lloyd Cruz ay hindi niya binibigyan ng kaukulang “kaseryosohan” dahil ang pag-aartista ang kanyang pangunahing layunin. “Wala din po ako panahon sa love dahil busy lagi sa taping,” wika ni Bea.

Dalawang araw anya sa loob ng isang linggo siya nagti-taping ng ”Betty La Fea” pero umaga na siya madalas nakakauwi dahil inaabot ng kinabukasan ang produksyon.

“Kaya paano pa po ako magkakaroon ng time sa love,” wika ng mestizang aktres.

Walang kagatul-gatol na inamin naman ni Jake na nililigawan niya si Bea.

“I must admit that I am in love with Bea. I find her very pretty. Wala namang masama, di ba?” tanong ni Jake sa paglulunsad ng Star Magic 2009 Catalogue sa EDSA Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City noong Linggo ng gabi.

Ayon kay Cuenca, hindi naman niya itinatanggi na may pagtatangi rin si John Lloyd kay Bea pero may karapatan siyang ipadama ang kanyang damdamin sa aktres. Aminado si Jake na nagseselos sa kanya si John Lloyd pero ano anya ang kanyang magagawa kung in-love siya sa aktres.

“We go out together, totoo ‘yon. Because we are friends and I court her. Maganda naman ang aming relasyon. Sana, magustuhan din niya ako.”

“Kaya lang dahil busy kami pareho, mukhang wala pang formal relationship. Basta ang mahalaga ay tinatanggap niya ako bilang suitor. ‘Yon ang mahalaga, di ba?” ani Jake.

Para sa aktor na inilunsad ng ABS-CBN bilang action star sa “Palos,” ang importante ay nabuksan muli ang kanyang puso pagkatapos ng kanyang ugnayan kay Roxanne Guinoo.

Isa ito sa mga palatandaan ng kanyang pagiging liberal sa puso at isip.

Lumaki sa Amerika si Jake subalit nagpalipat-lipat siya ng mga bansa kabilang sa Europa dahil sa hanapbuhay ng kanyang mga magulang sa isang multinational company.

Kaya naman dinala niya ang liberalismo sa showbiz kabilang ang pag-pose ng seksi sa mga magasin at billboard.

“I know I have something to show so why do I have to hide it,” katwiran ni Cuenca.

Pati ang pag-atake ng mga intriga laban sa kanya ay malawak ang pang-unawa ng aktor.

“Intrigues are part of the business. Without intrigues, movie stars like me won’t be talked about. Without the movie press, we are nothing,” sabi ni Jake.

Ibinalita rin niya na gumagawa siya ng isang pelikulang pantasya katambal si Shaina Magdayao at isang TV drama kung saan ay kapartner din niya ang batang aktres.



0 comments:

Post a Comment