feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

JC is Rhian’s escort at debut in Makati City

Labels: ,


Sa Biyernes na gaganapin ang kaarawan ng itinuturing na “Debutant of the Year" na si Rhian Ramos. At ang napiling escort ng dalaga ay ang aktor na umaming may malaking paghanga sa aktres.

Sa isang five star hotel sa Makati gagawin ang debut party ni Rhian. Maging ang aktres ay aminadong nalulula at kinakabahan sa sobrang bongga ng inihandang selebrasyon para sa kanyang kaarawan.

“Parang feel ko until that day I still won’t be ready kasi nakakanerbiyos talaga. Especially ‘pag sinasabi ng tao na parang…well first, malaki ang expectation na you know to be lady… parang that’s the day you grow up or whatever," paliwanag ng dalaga.

Ayon kay Rhian, ang leading man niya sa bagong telenobela sa GMA Network na “Lalola" na si JC de Vera ang kanyang magiging escort sa importanteng araw ng kanyang buhay.

Alam kaya ni Rhian na inamin ni JC na malaki ang paghanga niya sa dalaga lalo na sa maganda ng aktres.

“Ow?! Ba’t hindi nya yun sinasabi sa akin. Hindi, ngayon ko lang yun nalaman," sagot ni Rhian.

Nilinaw niya na hindi ang pagiging magkasama nila sa “Lalola" ang dahilan kaya nya pinili si JC bilang escort sa kanyang debut.

“I personally picked JC kasi ano siyempre… may show or no show nasa akin pa rin yun desisyon kasi debut ko naman yun," pahayag niya.

Karamihan sa mga kasama sa 18 roses at 18 candles ay kasamahang mga artista ni Rhian sa Kapuso Network. Itinuturing daw ng aktres na pinakamalaking regalo sa kanyang kaarawan ang “Lalola" kung saan siya ang bida.

Excited na raw siya sa role niya bilang lalaki na naging babae. At upang maging makatotohanan ang kanyang pagganap sa nasabing papel, madalas daw niyang pinagmamasdan ang mga kilos at galaw ng aktor na si Wendell Ramos.

Si Wendell ang magiging ka-alternatibong katauhan ni Rhian sa katawan ng lalaki. - GMANews.TV



0 comments:

Post a Comment