feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Jason Abalos ecstatic over his Best Actor win

Labels:


Hindi pa rin makapaniwala si Jason Abalos na tatanghalin siyang Urian Best Actor sa awards rites kagabi ng critics’ group sa CCP Little Theater along Roxas Boulevard. Simple at fast-paced ang Urian ceremonies.

Wala pang tatlong oras ang itinagal nito. Second acting trophy ni Jason ito for his poignant portrayal of Leo, the young man who flits from one contractual job to another sa indie film na Endo (short for End of Contract).

Matatandaang entry sa 2007 Cinemalaya ang Endo pero ang ensemble ng isa pang indie na Tribu about gang wars ang nanalo bilang Best Actor/s sa awards ceremonies ng Cinemalaya. Vindication of sorts ang nangyari kay Jason.


Ang katambal ni Jason na si Ina Feleo, daughter of respected thespians Laurice Guillen and Johnny Delgado, ay nagwaging Cinemalaya Best Actress bilang ambisyosang babae na bumago sa takbo ng isip at pananaw ni Leo (Jason).

Nagkabaliktad ang kapalaran nina Ina at Jason sa gabi ng Urian dahil hindi nanalo si Ina as Best Actress. Ang beteranang si Cherry Pie Picache para sa Foster Child ang nag-uwi ng Best Actress trophy. This is Cherry Pie’s second Best Actress plum from the Urian. Una na siyang nanalo para sa Bridal Shower in 2004.


Hindi akalain ni Jason nung nag-a-audition siya for Endo na ito ang maghahatid ng pagkilala sa kanyang husay bilang aktor. “Gusto ko lang may magawa nung time na yun. Kasi nung mga panahong yun, wala akong project, wala akong ginagawa ng limang buwan.”


Mahigpit ang pagkakahawak ni Jason sa kanyang trophy habang ini-interview ng ilang press people. The morning of the Urian ceremonies, maugong ang pangalan nina Jason at Cherry Pie as possible winners. Naka-tie ni Jason si Sid Lucero para sa gay indie drama na Selda.

Natawa ang audience nang nagpahabol ng salita si Sid – nauna siyang nag-speech - after Jason has finished with his acceptance speech. “Baby, nasa’n ka?” Ang tinutukoy ni Sid na “baby” ay si Emilio Garcia who played his lover in Selda na siya namang nagwagi as Best Supporting Actor that night.


Nakaw-eksena nga rin pala si Rustom Padilla, last year’s Best Actor winner for Zsa Zsa Zaturnnah who appeared on stage in drag (as in naka-damit babae) to present the Best Actor prize with Mark Gil na naka-tie ni Rustom last year para naman sa Rotonda.

Interesting to note na si Mark ay tatay ni Sid Lucero na naka-tabla naman ni Jason nga for Best Actor this year.


Jason read an acceptance speech na ayon sa kanya ay nung umagang yun lang daw niya sinulat. Touching ang opening line niya na “Sino ba ang ayaw magkaro’n ng Urian?” “Kaninang umaga ko ginawa nung nagising ako,” balita pa ng Star Magic talent.

“Nagbabakasakali na mapunta nga sa akin (yung award) kesa magmukha kang tanga sa ‘taas na wala kang masabi.”


Special mention ni Jason sa kanyang speech ang magkasintahang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na nakatrabaho niya sa soap na Ysabella. Naturally inusisa ito sa kanya.

“Bukod kasi sa nakasama ko sila sa Ysabella, nagkaroon kami ng pagkakataon makapunta sa States for some shows for ten days. Kinausap nila ako dun not as Ryan and Judai na artista kundi bilang Ryan at Judai na mga totoong tao. Mahirap kalimutan kasi sabi nila sa akin huwag lang akong magbabago, may pupuntahan ako eh. Pero ako, para sabihin ng isang Judy Ann Santos, di ba? Malaking karangalan.”


Nang tanungin kung paano niya ise-celebrate ang kanyang pananalo, ang maagap na tugon ni Jason ay: “Uuwi muna ako. Itutulog ko muna.”



0 comments:

Post a Comment