‘Dobol Trobol’, ‘B’ sa CEB!
RATED ‘B’ ang ibinigay na grade ng Cinema Evaluation Board sa pelikulang Dobol Trobol, Let’s Get Redi 2 Rambol, na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dolphy, at prodyus ng RVQ Films, M-Zet Films at APT Inc..
Hindi nga ikinaila nina Dolphy at Vic na tumulong sila sa pagbuo ng kuwento at pag-atake sa mga eksena para sa Dobol Trobol. Sabi nga nina Dolphy at Vic, ngayon lang sila nagsama sa pelikula, kaya dapat lang nilang siguraduhin na matino, maganda, at nakatatawa ang pelikula.
Palabas na sa mga sinehan ang Dobol Trobol, at kasama rin sa pelikula sina Riza Santos, Carmi Martin, Wally Bayola at Jose Manalo.


Post a Comment