feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Kris, ‘pirated copy’ ni Marian

Labels: ,

SI Mother Lily ang unang nakapansin sa u­nang presscon ng Lo­ving You na kahawig ni Marian Rivera si Kris Bernal. Inintriga nga namin noon si Kris, na mukhang kinukopya talaga niya si Marian, na agad naman niyang itinanggi.


Pero, aminado siyang idol niya si Marian, at gandang-ganda siya rito. Pero, hindi raw dahilan `yon para gayahin niya ito.


Sa birthday party ni Dingdong sa NBC Tent kamakailan, nagulat kami sa parehong itsura nina Marian at Kris. Base sa mga litrato na kuha ni Boy Borja sa birthday ni Dingdong,

tila parehung-pareho ang itsura nina Marian at Kris, mula sa kulay ng damit, at sa bag na bitbit nila.


Hindi ako sigurado kung sino sa kanilang dalawa ang naunang dumating sa party ni Dingdong. Pero, kung ang lara­wan na nakikita niyo sa pahinang ito ang pagbabasehan niyo, puwede niyong sabihin na parang pirated copy ni Marian si Kris.


Nagkakataon lang kaya na sa mga okasyon na pinupuntahan nila ay halos pareho ang itsura nila? Hindi naman siguro sinasadya ni Kris na maging kapareha ng itsura niya ang itsura ni Marian?





0 comments:

Post a Comment