feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Dennis Trillo's son celebrates first birthday

Labels: , ,


Masaya si Dennis Trillo sa takbo ng kanyang career lalo na’t nakakuha ng rated B ang kanyang movie na “ITALY."

Pero higit na nagpapasaya raw sa aktor ang kanyang anak na si Calix na nagdiwang ng unang kaarawan noong Sabado.

Sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing tuwang-tuwa si Dennis sa anak nila ni Carlene Aguilar dahil tinatawag na siya nitong “Dada."

Dahil naging off-limits sa media ang birthday party ng kanyang anak na ginawa sa club house ng isang exclusive subdivision sa Pasig, masayang nagkwento na lamang si Dennis.

“Masaya naman…masaya kami ni Carlene dahil si Calix sobrang saya na rin. Nakita namin na talagang nag-enjoy sya sa lahat..sa mga magic tricks, maraming bata ro’n kaya talagang nag-enjoy sya," ayon kay Dennis na bida sa bagong fantaserye ng GMA Network na “Gagambino."

Sa simula ng party ay si Dennis umano ang nag-asikaso sa mga bisita dahil nasa taping pa ng “Celebrity Duet" si Carlene.

Idinepensa na rin ni Dennis ang desisyon nila ni Carlene na huwag i-expose sa media ang kanilang anak.

“Hindi naman talaga sya showbiz, hindi naman sya artista tapos syempre matagal napag-usapan ang birthday na’yun and gusto ko lang maging tahimik. Syempre gusto ko walang kokontra sa kasiyahan ibibigay namin sa kanya," paliwanag ng aktor.

Excited din si Dennis dahil ito ang first day ng regular showing ng movie niyang ITALY na binigyan ng B rating ng Cinama Evaluation Board.

Kasama ni Dennis sa pelikula ang mga kapwa Kapuso stars na sina Rufa Mae Quinto, Jolina Magdangal, Mark Herras, Rhian Ramos at Eugene Domingo. - Fidel Jimenez, GMANews.TV



0 comments:

Post a Comment