feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Dingdong Dantes breaks hand during ‘Dyesebel’ shooting

Labels: , ,


Kinailangang isimento ang kanang kamay ni Dingdong Dantes matapos itong maaksidente sa taping ng nangungunang fantaserye sa bansa na “Dyesebel.”

Sa Chika Minute portion ng 24 Oras news program ng GMA 7 nitong Martes, iniulat na na-dislocate raw ang mga buto sa kamay ni Dingdong nang mapalakas ang pagsuntok niya sa puno ng niyog na bahagi ng kinukunang eksena.

Katunayan, sa ”Dyesebel” special na ginawa sa entertainment variety show na S.O.P. nitong Linggo, kita pa ang cast sa kamay ni Dingdong habang kumakanta.

Sa kabila ng mga nangyari wala naman daw sinisisi ang gwapong binata.

“Hindi naman maiiwasan ang aksidente sa taping. Much siguro ‘pag ano ka, into your character minsan nagkakaroon ng mga things na hindi mo makontrol, so aksidente lang sa ’kin,” ani Dingdong.

Inamin ni Dingdong na nagkamali siya ng kalkulasyon nang suntukin ang puno kaya tinatawanan na lang nya ang mga nangyari.

“Matibay talaga ang forces of nature. Huwag natin syang kakalabanin," nakangiting pahayag ng binata.

Nabahala naman sa nangyari ang leading lady ni Dingdong sa "Dyesebel" na si Marian Rivera, na wala sa set nang maganap ang insidente.

“Nang magpunta ako sa taping may nagsabi sa akin na nasa ospital daw si Dong. Sabi ko ba’t nasa ospital? Nabalian daw. Tinawagan ko sya sabi ko anong nangyari sa’yo,” kwento ng dalaga.

Napawi naman daw kaagad ang pag-aalala ni Marian nang makausap ang binata.

“Actually kapag sinasabi ko, ikaw naman kasi. Sabi nya, ‘Rian ‘di ko na maibabalik please ‘wag na nating pag-usapan. So ako naman quit na lang para ‘di sya maasar,” dugtong ng magandang aktres. - Fidel Jimenez, GMANews.TV



0 comments:

Post a Comment