feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Ex-manager files P22-M suit vs Gabby Concepcion

Labels: , ,


MANILA, Philippines - May panibagong kaso na kakaharapin si Gabby Concepcion matapos magsampa ng P22 milyong civil suit laban sa aktor ang kanyang dating manager na si Mommy Rose Flaminiano.

Sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras, ang kaso ay bunsod nang pagtalikod umano ni Gabby sa management contract nito sa talent manager.

Napaluha pa umano si Mommy Rose nang maghain ng civil case laban sa dating alaga na si Gabby at abogado nitong si Raymund Fortun.

Nang tanungin ni GMA news reporter Nelson Canlas ang talent manager kung nabigla ito sa pagtalikod ni Gabby sa kanilang management contract, sagot nito, “Hindi ako nabigla, nasaktan ako ng sobra."

Sa liham daw na ipinadala sa kanya ni Atty Fortun, sinabi umano ni Gabby na ilang ulit nilabag ni Mommy Rose ang kanilang kasunduan.

Reklamo pa umano ni Fortun, sa halip na pangalagaan ang interes ng aktor, naharap pa ito sa kahihiyan at posibleng demanda dahil hindi umano naasikaso ang tax case ni Gabby.

Tumanggap din umano ng mga showbiz commitment si Mommy Rose para sa alaga na hindi alam ni Gabby.

Mariin namang itinanggi ng talent manager ang mga paratang. Idinagdag ni Mommy Rose na nagkausap na sila ni Gabby pero hindi na nya maiuurong ang demanda.

“Katwiran ng mga abogado ko hindi ko sya pwedeng i-command kung talaga bakit daw ba nagsasalita dyan hindi nya ko inintindi, bakit ngayon ako na naman ang mag-iintindi sa kanya," ayon kay Mommy Rose.

Sa kabila ng pagsasampa ng kaso, bukas umano ang kampo ni Mommy Rose na makipag-usap sa kampo ni Gabby upang maayos ang problema.

Sa text message na ipinadala naman ni Atty. Fortun sa GMA News sinabi nito, “Mr Concepcion and I look forward to receiving a copy of the complaint. We in fact expected to course of action taken by his former manager, and will respond to the harassment suit in due course." - Fidel Jimenez, GMANews.TV



0 comments:

Post a Comment