Will Mark Herras, Jennylyn team up again?

Sabik na raw si Mark Herres sa muli nilang pagtatambal ng dating kasintahan na si Jennylyn Mercado sa sandaling magbalik na ito sa showbiz matapos magsilang ng isang healthy baby boy noong nakaraang buwan.
Sinabi ni Mark sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes na excited na siya na makasama muli si Jen matapos malaman na may inihahandang project ang Kapuso Netwrok para sa kanilang dalawa.
Kapag natuloy, sinabi ng aktor na malamang iiwanan na nila ni Jen ang mga role na pa-tweetums para sumabak sa mas mature na role.
“Compared dun sa mga ginawa namin ni Jen sobrang ang layo na ng gagawin namin ngayon, hindi na yun…syempre nandun pa rin yung love parang ganoon pero yung pa-tweetums-tweetums hindi na," paliwanag niya.
Sa October ay magsisimula na si Jennylyn na magtrabaho sa pamamagitan ng kanyang launching ng isang coffee table book at pagkatapos nito ay sasabak na siya sa taping.
Sinabi ni Mark na matapos na silang hindi nagkakasama ni Jen sa isang proyekto kaya naman excited na siyang makapareho muli ang dating nobya.
“Actually nakaka-miss na katrabaho si Jen kasi huli naming trabaho yata La Vendetta pa yata," pahayag nito.
Sa ngayon, tutok daw muna sa trabaho ang tinaguriang “bad boy of the dance floor" at wala munang nililigawan. Iginiit ni Mark na tsismis lang at walang katotohanan niligawan niya si Rhian Ramos na katambal niya sa movie na “ITALY."
“Wala pa naman akong ginagawa o wala naman ligawan na nagagawa, pero ‘di ko alam san papunta. Pero ngayon ayoko muna…lalo na ngayon kapag nalaman ng mga tao na ‘yon na magkasama kami ni Rhian andyan nagte-text na more pa kung malaman nila na nililigawan ko yung tao," paliwanag ni Mark. - Fidel Jimenez, GMANews.TV


Post a Comment