feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Anne Curtis takes one-week vacation after breakup with Sam Milby

Labels: , ,

Wala man sa orihinal na plano ni Anne Curtis na magbakasyon next week, nagpaalam muna ang young actress sa kanyang manager na si Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva Artist Agency at sa pinagbibidahang primetime series sa ABS-CBN na Dyosa.



Biglaan daw ang naging desisyon ni Anne na magbakasyon sa States. Ayon sa nakarating na balita sa PEP (Philippine Entertainment Portal), aalis daw si Anne sa Linggo, October 26, papuntang Amerika.



Si Anne daw mismo ang personal na nakiusap sa kanyang manager kung papayagan siyang magbakasyon kahit isang linggo lang. Si Anne din daw ang mismong nakipag-usap sa prioduction ng Dyosa at pinayagan naman daw siya ni Mr. Enrico Santos.



Hindi naman daw maaapektuhan ang taping ng Dyosa dahil may mga advance taping na sila. Ang latest nga na nakarating sa aming balita ay extended daw until February next year ang naturang fantaserye ng Kapamilya network.



Mismong ang mga taong nakakasama na raw ni Anne ang nakakakita na kailangan talaga ng young actress ng bakasyon, kahit sabihin isang linggo lang ito. From a source na malapit kay Anne, nasasaktan diumano ang young actress sa nangyayari sa kanila ng rumored boyfriend niyang si Sam Milby. Madalas daw na iniiyak na lang ng dalaga ang mga nangyayari sa kanila.



Okey na naman daw kung break na sila ni Sam, pero ang hindi lang nagugustuhan ni Anne ay kung bakit sa kabila nito, marami pa raw sinasabi si Sam over their breakup kahit tahimik lang ang dalaga tungkol dito.



Hindi rin daw nagugustuhan ni Anne ang mga isyung naglalabasan na kesyo third party ang reason ng breakup nila. Ayon sa aming source, mariin namang itinatanggi ni Anne, at kahit si Sam, na walang third party involved.



Nagtataka lang daw si Anne kung bakit nand'yang i-link siya kay Jericho Rosales, na dalawang beses pa lang naman niyang nakakasama sa shooting ng pelikulang Baler. Meron din daw car racer na ayon naman kay Anne ay ni hindi niya kilala at nakakasama pa. Ayaw naman daw isipin ni Anne na lahat ng ito ay mula sa kampo ni Sam.



Kung tutuusin, puwedeng sabihin na petty reasons lang naman talaga ang cause ng breakup nina Anne at Sam, na hindi naman talaga umamin sa kanilang relasyon. Lumaki lamang daw ang kanilang breakup at hindi ito dahil sa third party. Ito ang dahilan kung kaya mas lalong nasasaktan at madalas ay naiiyak na lang si Anne ngayon.



Ayon pa sa source ng PEP, kapag break sa taping ng Dyosa ay talagang hindi raw nagpapansinan sina Anne at Sam. Madalas din daw na nasa isang tabi lang si Anne. Pero kapag take na, parang hindi mo raw iisipin na break na ang dalawa dahil ginagawa pa rin nila ang kanilang trabaho.



Pina-practice daw talaga ni Anne ang professionalism. In fact, bago umalis para sa ni-request niyang one-week vacation, magsu-shooting muna si Anne ng ilang eksena para sa Baler, na entry sa 2008 Metro Manila Film Festival.



Kasama rin si Anne sa naka-lineup na guests ni Sam sa concert nito on October 25, ang The Rockoustic Heartthrob sa Aliw Theater. Kahit sabihin pang may problema talaga sa pagitan nila, ayaw raw masabihan ni Anne na unprofessional, kaya darating at darating pa rin siya rito.



Kung dati-rati ay nakakapagbakasyon at pinapayagan si Anne na mag-travel mag-isa, this time ay hindi raw pinayagan si Anne, lalo na ng kanyang manager. Makakasama raw ni Anne ang kanyang best friend na si Isabella Daza, ang anak ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz.
pep.ph



0 comments:

Post a Comment