feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Sam Milby all set for first major concert on Saturday

Labels: ,

May halo mang kaba, handang-handa na ang Rockoustic Heartthrob ng bansa na si Sam Milby sa kanyang kauna-unahang major solo concert na gaganapin ngayong Sabado, October 25 sa Aliw Theater entitled SAM MILBY: ROCKOUSTIC HEARTTHROB.

Todo-ensayo na talaga sa nalalapit na concert si Sam kaya naman bising-bisi ang isa sa mga sought-after na leading men and product endorsers ngayon. Kitang-kita na ang malaking pagbabago ng dating Pinoy Big Brother season 1 Fil-Am housemate na si Sam.

Dati’y medyo mahiyain pang humarap sa maraming tao, ngunit ngayo’y may lakas na ng loob para mag-perform ng buong puso. Bukod sa mahusay niyang pag-ganap sa Dyosa bilang Adonis, pagiging Youth Spokesperson ng DepEd, at sa pagiging certified platinum recording artist, sasabak naman nagyon sa concert scene ang gwapong binata.

Sa direksyon ni Johnny Manahan at Marvin Querido naman para sa musikal na aspeto, ipapakita ng “Rockoustic Hearthrob” ang kanyang kakayahan di lang sa pag-awit kundi pati na rin sa pagsayaw.

Kasama ang G Force at si Georcelle Dapat bilang choreographer, ang nag-iisang Dyosa na si Anne Curtis, Pokwang, Yeng Constantino, at iba pang surprise na panauhin na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.

Panoorin si Sam Milby live sa kanyang kauna-unahang solo major concert, SAM MILBY: ROCKOUSTIC HEARTTHROB ngayong Sabado na sa Aliw Theater.



0 comments:

Post a Comment