Ogie Alcasid may replace Eugene Domingo in Desperadas 2
"Mukhang tatangapin" ang sagot ng talent manager na si Leo Dominguez nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung tuloy ang alaga niyang si Ogie Alcasid sa Desperadas 2 ng Regal Entertainment. Si Ogie ang kinukuha ng Regal bilang kapalit ni Eugene Domingo pagkatapos i-pull out ang comedienne ng kanyang manager na si Ricky Gallardo sa pelikula.
"Done deal" naman ang sagot ng isang taga-Regal with the same question. Ang schedule na lang daw ni Ogie ang inaayos. Kung hindi sa November 8, ay sa November11 na ang first shooting day ni Ogie pagkatapos ng grand finals ng Celebrity Duets, ang singing contest na hinu-host nila ng kasintahang si Regine Velasquez.
Hindi na ni-revise ang script ng Desperadas 2. Role pa rin ni Lugaluda, ang African princess at long-lost half-sister nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Marian Rivera, at Iza Calzado ang gagampanan ni Ogie.
Babae at hindi bading si Lugaluda kaya kukuha ng stylist at makeup artist ang Regal Entertainment exclusive for Ogie para ayusan siya. Mala-John Travolta sa Hairspray ang magiging dating ng singer-comedian sa pelikuila.
Si Nova Villa rin ang mother ni Ogie sa Desperadas 2. Meron din siyang love interest dito, pero hindi pa alam kung sino.
Sanay nang gumanap na babae si Ogie dahil sa Bubble Gang. Hindi nga ba't sikat na sikat ngayon ang role niya bilang Angelina sa "Ang Spoiled" segment ng naturang gag show? - Philippine Entertainment Portal


Post a Comment