Luis Manzano dismisses rumored breakup with Angel Locsin
Nagulat ang young TV host-actor na si Luis Manzano sa isyung hiwalay na sila ng girlfriend niyang si Angel Locsin. May kinalaman daw si Piolo Pascual sa tampuhan ng dalawa. Sina Angel at Piolo na naman kasi ang magkapareha sa pelikulang Land Down Under ng Star Cinema.
Pero ayon kay Luis, wala naman daw silang kaproble-problema ni Angel at never na magiging dahilan si Piolo. Close pa rin sila at mas nadadagdagan pa nga raw ang closeness nila ngayon.
"She's okay...very, very busy. Tuloy-tuloy rin ang shooting nila ni PJ [Piolo]," sabi ni Luis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa second screen test ng magiging kapareha niya sa kanyang fantaserye na Flash Bomba sa ABS-CBN.
May time pa ba si Angel sa kanya?
"Kasi she's very busy dahil naghahabol nga ng playdate. Iba talaga ang demands ng movie nila. Ako naman, I'm doing Dyosa. Pareho kaming busy. Pero we make it a point na if there's any free time, kahit one or two hours, we make it a point to spend it with each other," pahayag ni Luis.
Ayon kay Luis, never daw siyang nag-demand ng oras kay Angel at never naging isyu sa kanila ito gaya ng sinasabing dahilan sa split-up issue.
Alam naman daw niya ang nature ng trabaho ng isang artista since pareho naman silang artista ni Angel and another thing, lumaki siya sa showbiz na nakikita rin ang trabaho ng ina niyang si Vilma Santos.
Sabi pa ni Luis, wala naman daw pagbabago sa status ng relasyon nila ni Angel at mas naging close pa nga raw sila ngayon kaya hindi niya alam kung bakit may isyung break na sila.
ABORTION ISSUE. Aware din ba siya sa isyung nagpaglag diumano si Angel?
"You know, it's very, very easy to come up with things like that. Napakadaling sabihin na may nagsabi ng ganito, may ganun, until you come up with something solid. Siguro yun ang pinakaimportante in anything and any issue. Napakadaling sabihin kasi na may umabot sa aking issue, na may ganyan-ganyan," sabi ni Luis.
Napag-usapan ba nila ni Angel ang tungkol dito?
"Hindi namin kailangang pag-usapan dahil wala namang katotohanan ‘yang mga ganyan," sagot ng binata. "If it's mga petty issues siguro, o puwede pa yung sabi ni ganito sabi ni ganyan. But if it's something na nagpalaglag ang isang tao, if you're gonna make that kind of a statement, dapat talaga may proof ka. Hindi talaga ako naniniwala, and I don't think Angel is a type of lady to do that. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ng magulang niya."
GAY ROLE. Tinanong din ng PEP kung matutuloy pa ba ang movie nila ng ina niyang si Governor Vi with John Lloyd Cruz, kung saan gaganap na gay si Luis.
"Initially tumanggi ako, pero there might be another set of talks," pagbabalita ni Luis. "Kinausap nila ulit ako na parang may pinapasabi si Tita Malou [Santos, managing director of Star Cinema] na we will have a meeting very, very soon; na iba yung presentation na gagawin nila for me to reconsider.
"Pero initially na yung lumabas talaga sa past interviews, I did decline. Pero I have no idea kung ano mangyayari sa next presentation. Kasi nung inoffer sa akin yun, hindi ko pa nakikita yung solid script and ngayon na medyo nakukumpleto na ang script, siguro gusto nilang i-present sa akin na something solid."
Hindi pa ba siya ready sa ganoong kaseryosong role?
"Hindi naman sa hindi ready dahil sabi nga ni Mommy mismo, and I agree, acting piece yun, e. You know, the fact that I'll be acting with my mom, who's a multi-awarded actress; second si Lloydie is an acting genious; ‘tapos yung very non-tradional role para sa akin. Pero may certain inihibitions, ‘ika nga, na personal naman. It's nothing big na hindi ako secure sa pagkalalaki ko, hindi naman mga ganun. But personal reasons lang," paliwanag niya.
So, waiting pa pala sa script kaya hindi maumpisahan?
"I think maraming inaantay dahil una, si John Lloyd is doing Betty La Fea. My mom is still busy sa Batangas. I think ang target naman nila ay December or by next year ang umpisa, pati yung pagkuha nila sa New York," sabi ni Luis.
As of now, walang pang percentage na puwedeng tanggapin ni Luis ang project. May better answer daw siya 'pag nagawa na yung second presentation.


Post a Comment