Lloydie: No breakup with Liz
Kamakailan ay mabilis na kumalat ang balitang hiwalay na si John Lloyd Cruz sa girlfriend niyang si Liz Uy. Kasunod nito ay nakitang kasama ni John Lloyd sa TriNoma mall ang Malaysian actress at leading lady ni Jericho Rosales sa teleseryeng “Kahit Isang Saglit” sa Primetime Bida ng ABS-CBN na si Carmen Soo.
Last Tuesday, ekslusibong nakausap ng ABS-CBN.COM si John Lloyd sa dressing room ng Studio 4 sa Talent Center building ng ABS-CBN. Isa-isang nilinaw ni John Lloyd ang mga isyu.
Hiwalay na nga ba sila ni Liz?
“Hindi totoo,” madiing sagot ni John Lloyd. “Going strong pa rin kami.”
Tinanong din namin si John Lloyd kung bakit magkasama sila ni Carmen sa mall.
“May common friend kami ni Carmen na kasama ko that time sa mall. Tapos nalaman nu’ng common friend namin na nasa mall si Carmen. Bumili siya ng Havaianas. Paalis na rin siya that day pabalik ng Malaysia at birthday niya.
“So, nagkita sila nu’ng common friend namin na kasama ko that day. Tapos nagkayayaan na kumain ng lunch. Ganu’n lang,” paglalahad ni John Lloyd.
Una raw silang nakita at nakilala ni John Lloyd si Carmen sa Star Magic ball sa Shangri-La Hotel.
“Pagkatapos nagkikita kami sa ‘ASAP.’ Nagbabatian lang kami.”
Since birthday ni Carmen that day, may binigay ba siyang regalo sa leading lady ni Echo?
“Ano, ako ang nagbayad ng lunh namin, ‘yun ang gift ko sa kanya,” sabay tawa ni John Lloyd.
Hindi malayong matsismis si John Lloyd at isipin na nagkagusto siya kay Carmen dahil tulad ng mga ex-girlfriend niya at current na si Liz, iisa ang skintone nila na pawang mga morena.
Sa puntong ito, ngumiti na lang ng malaki at hindi na nakapagsalita si John Lloyd.


Post a Comment