feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Ryan Agoncillo happy about reconciliation of Judy Ann Santos and Alfie Lorenzo

Labels: , ,

Sa presscon ng bagong afternoon soap ng ABS-CBN, ang Pieta, kaninang tanghali, October 21, ay expected na ng lead star nito na si Ryan Agoncillo na matatanong siya tungkol sa isyung namagitan sa kasintahan niyang si Judy Ann Santos at sa manager ng aktres na si Alfie Lorenzo.



Matatandaan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Juday at Alfie nang sabihin ng aktres na ipapakita muna niya sa kanyang abogado ang bagong kontrata niya sa ABS-CBN. Nagalit dito si Alfie dahil sa loob daw ng 20 years ay hindi kinailangan ni Juday na kumonsulta sa abogado kapag pumipirma ng kontrata.



Pero nito lang Sabado, October 18, ay nagkaayos na ang dalawa nang pumunta si Juday sa bahay ni Alfie upang humingi ng paumanhin.



Bilang kasintahan ni Juday, ano ang masasabi ni Ryan tungkol dito?



"I've been reading and I've been hearing about it," umpisa ni Ryan sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press. "Pero mataas ang respeto ko kasi kay Juday at mataas din ang respeto ko kay Tito Alfie. I think, labas ako sa ganyang usapan lalo na't mag-manager ang usapan. They've been together for 20 years and I think, it's disrespectful for me to comment.



"Ang masasabi ko lang, natutuwa ako at nagkaayos na sila. I spoke to Tito Alfie already. I spoke with Juday already at sabi naman niya, nagkaayos na sila and that's enough for me.



"Si Tito Alfie, nakausap ko siya kagabi [Oct. 20]. Okey naman. Sabi ko nga, ‘Tito A, medyo busy lang, pero bubuwelo ako. Pupuntahan ko kayo.' Usap tayo. Iba naman kasi ang pinag-uusapan namin, personal. Sabi naman niya, ‘Sige, usap tayo! Lalaki sa lalaki. Basta ang kundisyon, naka-brief ka!" natatawang kuwento ni Ryan."



TO JUDY ANN'S CREDIT. Tinanong ng PEP si Ryan kung isa ba siya sa nag-advice kay Juday na kumunsolta ng abogado at makipag-usap at makipag-ayos sa manager nito.



"I think, we need to give credit to Judy Ann. Judy Ann has a mind of her own. She's thirty [years old]. She's successful and she wouldn't reach this success without the help of Tito Alfie and, of course, the other people in the industry. Pero ang main ingredient din naman ng isang superstar, a young superstar like Judy Ann, is herself.



"She's a very intelligent woman and I think, we have to give her that credit. Whatever decision that she makes now, huwag nating anuhin na, 'Bbaka may nag-advice or baka may nagsulsol. Matalinong babae si Judy Ann. And I think she's only beginning to show us whatever na kaya niyang gawin. And we have to give her credit for that," pagtatanggol ni Ryan sa kanyang future wife.



Ano naman ang reaction niya sa nasabi raw ni Alfie na kumuha raw ng abogado si Juday at ang pangalan ay Atty. Agoncillo?



"I would think na nagbibiro si Tito Alfie," sabi ni Ryan. "Siguro siya na lang ang tanungin n'yo. I think everything's in stride, you know. Kilala kong makipag-usap si Tito Alfie. Alam naman natin ‘yan, cariño brutal. Hindi lang minsan kundi mas madalas."



Ano naman ang masasabi ni Ryan sa statement ni Alfie na "I made her, I can unmake her!" na ang tinutukoy ay si Juday? Ang naturang pahayag ni Alfie sa Showbiz Central ay naipakita sa teaser ngunit hindi naipalabas nang buo dahil nagkabati na nga sila ni Juday bago pa ito ilabas.



"Kung anuman ang marinig ko, sige, tingnan natin. Iba ang lumalabas. Like this one, I'm reading this from a third party, I'm hearing it from you. Hindi ko naman siya nabasa. At alam naman natin si Tito Alfie, kapag nagsalita, mabulaklak siyang magsalita. Maraming palabok kapag nagsalita.



"So, ako, I'll take it at a face value. I respect him too much to even comment on what's happening between them. I heard nagkausap na sila noong Sabado and that's all that matters to me. At least, nagkaayos sila."



Dagdag niya, "Because hindi ko lang naman sila karelasyon bilang katrabaho kundi Tito Alfie is a very good friend of mine, and Judy Ann is very dear to me, and it's very important for me na nagkaayos sila. Whatever that has been said and done in the media, hindi ko siguro concern yun. Ang concern ko ay nagkaayos sila."



Hindi raw nakita o binasa ni Ryan ang sinasabing bagong kontrata ni Juday sa ABS-CBN. Aniya, he's not privy with Juday's contract. Pero grateful ba siya sa manager ni Juday dahil sa sinasabi nitong damay raw siya sa magandang kontratang nakuha niya para kay Juday hanggang 2011?



"I'm not aware of the detail of the contract. Hindi ko siguro masasagot ‘yan. But if you'll ask me if I'm grateful with all the help, of course. I think, hindi ko naman makakalimutan yung fact na si Tito Alfie ang isa sa nagdesisyon na ipares ako kay Judy Ann sa Krystala.



"You know, that's the start of a career for me. And also, the start of a relationship that I wanna keep forever. So, you know, there are so many things for me to be grateful about kung kay Tito Alfie ang pag-uusapan. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. But if you're talking about the contract, I'm not sure about the contract, so I wouldn't know," pagtatapos ni Ryan.



0 comments:

Post a Comment