feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Reconciliation in the air? Pauleen Luna, Michelle Madrigal are friends in ‘Luna Mystica’

Labels: ,

Maging daan kaya ng pagbabati ng dating magkaibigang sina Pauleen Luna at Michelle Madrigal ang pagsasama nila sa bagong telefantasya ng GMA Network na “Luna Mystica?"

Sa Chika Minute portion ng 24 Oras ng GMA News nitong Miyerkules, kapwa dumalo sina Pauleen at Michelle sa story conference ng “Luna Mystica." Ngunit kahit magkalapit lang ang kanilang inuupuan, kapuna-puna ang hindi nila pagpapansinan.

Ayon sa ulat, mahigit dalawang taon na ring hindi nagkikibuan ang dalawang dalaga na ang sinasabing dahilan ay ang kanilang ex-boyfriend na si JC de Vera na napapanood naman sa “Lalola."

Unang naging girlfriend ni JC si Pauleen, at sumunod naman si Michelle. Sa kabila nito, madiin ang pagtanggi ng dalawa na si JC ang dahilan ng kanilang hidwaan.

Kaya naman marami ang nagtatanong - may pagkakataon pa kayang manumbalik ang kanilang pagkakaibigan?

“Ako OK lang naman ako. Matagal na rin naman wala sa akin ‘yon. ‘Di ba ‘pag sa mga interviews ko wala naman talaga. Hello, ibaon na kaya sa limot ‘yon," ayon kay Michelle.

Sambit naman ni Pauleen: “Ako rin naman gusto kong maaayos, and I’m sure si Michelle din gusto ring maayos. Wala namang tao na may gustong kaaway."

Magkakasama ang dalawa sa bagong proyekto ng Kapuso Network na “Luna Mystica" kung saan bida si Heart Evangelista.

Sa naturang fantaserye, gaganap na matalik na magkaibigan sina Pauleen at Michelle kaya inaasahan na magiging daan ito upang magkaayos ang dalawa.

“Like what said (before) you know dapat right time, right place, right opportunity," ayon kay Pauleen.

“I guess kung mag-usap kami if ever mangyari yon walang camera, walang ibang taong nakaharap. Para personal talagang masabi mo kung ano ang sama ng loob mo," paliwanag naman ni Michelle.



0 comments:

Post a Comment